Mga Kawikaan 24:32-34 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

32. Ang nakita ko'y pinag-isipan kong mabuti at may nakuha akong magandang aral:

33. Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip,

34. samantalang namamahinga ka ang kahirapa'y darating na parang armadong magnanakaw upang kunin ang lahat ng iyong kailangan.

Mga Kawikaan 24