Mga Kawikaan 24:30-34 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

30. Napadaan ako sa bukid at ubasan ng isang tamad at mangmang.

31. Ito'y puno ng matinik na damo, at gumuho na ang bakod nito.

32. Ang nakita ko'y pinag-isipan kong mabuti at may nakuha akong magandang aral:

33. Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip,

34. samantalang namamahinga ka ang kahirapa'y darating na parang armadong magnanakaw upang kunin ang lahat ng iyong kailangan.

Mga Kawikaan 24