Mga Kawikaan 23:31-35 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

31. Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y katakam-takam,

32. sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag.

33. Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka makapag-isip nang mabuti.

34. Ang makakatulad mo'y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad

35. at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako'y mahandusay? Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”

Mga Kawikaan 23