Mga Kawikaan 23:27-30 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

27. Ang masasamang babae at di-tapat na asawa ay mapanganib na patibong, tiyak na mamamatay ang mahulog doon.

28. Siya'y laging nakaabang tulad ng magnanakaw, at sinumang maakit niya ay natututong magtaksil.

29. Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan?

30. Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango sa masarap na inumin.

Mga Kawikaan 23