Mga Kawikaan 23:15-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Anak, matutuwa ako kung magiging matalino ka.

16. Makadarama ako ng pagmamalaki kung ang mga salita mo ay may karunungan.

17. Huwag kang maiinggit sa mga makasalanan, sa halip, si Yahweh ay laging igalang at sundin.

18. Kung magkagayon ay gaganda ang iyong kinabukasan.

19. Anak, maging matalino ka at pag-isipan mong mabuti ang iyong buhay.

Mga Kawikaan 23