Mga Kawikaan 20:1-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ang alak ay nagpapababa sa dangal ng isang tao,kaya isang kamangmangan ang magpakalulong dito.

2. Ang poot ng hari ay parang leong umuungal,ang gumalit sa kanya'y nanganganib ang buhay.

3. Ang marangal na tao'y umiiwas sa kaguluhan,ngunit ang gusto ng mangmang ay laging pag-aaway.

4. Ang taong tamad sa panahon ng tanimanay walang magagapas pagdating ng anihan.

5. Tulad ng tubig na malalim ang isipan ng isang tao,ngunit ito'y matatarok ng isang matalino.

6. Sinasabi ng bawat isa na siya ay tapat,ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakakatiyak.

7. Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran,mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.

8. Sa pagluklok ng hari upang igawad ang kahatulan,walang matatagong anumang kasamaan.

9. Sino ang makakapagsabi na ang puso niya'y malinisat di namuhay sa kasamaan kahit isang saglit?

Mga Kawikaan 20