Mga Kawikaan 2:9-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Kaya nga, iyong mauunawaan ang katuwiran at katarungan,at iyong susundan ang landas ng kabutihan.

10. Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan,madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman.

11. Ang natamong kaalaman sa iyo ay mag-iingat,ang unawa'y maglilihis sa liku-likong landas.

12. Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay,at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan;

13. ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan,na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman,

Mga Kawikaan 2