Mga Kawikaan 2:2-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan,at ito ay isipin nang iyong maunawaan.

3. Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman,pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan.

4. Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin,at tulad ng ginto, na iyong miminahin,

5. malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh,at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.

6. Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan,sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal.

7. Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay,at ang taong matapat ay kanyang iingatan.

8. Binabantayan niya ang daan ng katarungan,at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan.

Mga Kawikaan 2