Mga Kawikaan 19:5-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan,at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan.

6. Marami ang lumalapit sa taong mabait,at sa taong bukás-palad, lahat ay malapit.

7. Kung ang mahirap ay tinatalikuran ng mismong kapatid,wala na itong magiging kaibigan, kaninuman lumapit.

8. Ang nagsisikap matuto, sa sarili ay nagmamahal,ang nagpapahalaga sa karunungan ay magtatagumpay.

9. Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan,at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan.

Mga Kawikaan 19