Mga Kawikaan 17:18-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Ang mangangakong magbayad para sa utang ng iba,kamangmangang maituturing ang kanyang ginagawa.

19. Ang umiibig sa kaguluhan ay umiibig sa kasalanan;at ang mayayabang ay naghahanap ng kapahamakan.

20. Ang masamang isipan ay hindi uunlad,ang sinungaling ay aabot sa kasawiang-palad.

21. Ang mga magulang ng anak na mangmang,sakit sa damdamin ang nararanasan.

22. Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan,at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.

Mga Kawikaan 17