Mga Kawikaan 16:30-33 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

30. Mag-ingat ka sa taong pangiti-ngiti at kikindat-kindat;pagkat tiyak na mayroon siyang masamang binabalak.

31. Ang mga uban ay putong ng karangalan,ito ay natamo sa matuwid na pamumuhay.

32. Higit na mabuti ang tiyaga kaysa kapangyarihan,at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan.

33. Isinasagawa ng tao ang palabunutan,ngunit si Yahweh lang ang huling kapasyahan.

Mga Kawikaan 16