Mga Kawikaan 16:13-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Ang nais pakinggan ng hari ay ang katotohanan,at ang nagsasabi nito ay kanyang kinalulugdan.

14. Sinisikap ng matalino na masiyahan ang kanyang hari;kapag nagalit ang hari, may buhay na masasawi.

15. Ang kagandahang-loob ng hari ay parang ulap na makapal,may dalang ulan, may taglay na buhay.

16. Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan,at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang-unawa.

Mga Kawikaan 16