Mga Kawikaan 14:8-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Nalalaman ng matalino ang kanyang ginagawa,ngunit ang mangmang ay inaakay ng mali niyang unawa.

9. Kinukutya ng mga hangal ang handog na pambayad sa kasalanan,ngunit nalalasap ng matuwid ang mabuting kalooban.

10. Walang makikihati sa kabiguan ng tao,gayon din naman sa ligayang nadarama nito.

11. Ang bahay ng masama ay sadyang mawawasak,ngunit ang tolda ng matuwid ay hindi babagsak.

12. May daang matuwid sa tingin ng tao,ngunit kamatayan ang dulo nito.

Mga Kawikaan 14