Mga Kawikaan 13:2-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Natatamo ng mabuti ang bunga ng kanyang kabaitan,ngunit ang ninanasa ng masama ay puro karahasan.

3. Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay,ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan.

4. Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad,ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap.

5. Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan,ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan.

6. Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran,ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay.

7. May taong nagkukunwang mayaman subalit wala naman,ngunit ang iba'y nag-aayos mahirap bagaman sila ay mayaman.

8. Ang yaman ng isang tao ay pantubos sa kanyang buhay,ngunit sa isang mahirap ito ay hindi nakababahala.

Mga Kawikaan 13