Mga Kawikaan 12:6-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

6. Pumapatay nang lihim ang mga pangungusap ng masama,ngunit ang salita ng matuwid ay nagliligtas sa kapwa.

7. Ang masama ay lubusang mapaparam at di na magbabalik,ngunit ang sambahayan ng matuwid, mananatiling nakatindig.

8. Ang taong matalino'y magkakamit ng karangalan,ngunit ang aanihin ng masama ay pagkutya lang.

9. Ang maralitang nagsisikap ay mabuting di hamak,kaysa nagkukunwang mayaman ngunit sa gutom nakasadlak.

10. Kahit sa kanyang mga hayop ang matuwid ay mabait,ngunit ang masama kahit kanino ay sadyang mabagsik.

11. Ang taong masipag ay sagana sa lahat,ngunit ang isang hangal, sa yaman ay salat.

12. Ang nais ng masama ay puro kasamaan,ngunit ang tuntungan ng matuwid ay hindi magmamaliw.

13. Ang masama ay nahuhuli sa salita ng kanyang bibig,ngunit ang matuwid ay malayo sa ligalig.

14. Ang kakamtin ng tao ay batay sa gawa o salita,bawat isa ay tatanggap ng karampatang gantimpala.

Mga Kawikaan 12