Mga Kawikaan 12:3-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Ang makasalanan ay hindi mapapanatag,ngunit ang matuwid ay hindi matitinag.

4. Ang mabuting babae ay karangalan ng asawa,ngunit kanser sa buto ang masamang asawa.

5. Ang taong matuwid ay mabuting makiharap,ngunit ang masama ay bihira lang magtapat.

6. Pumapatay nang lihim ang mga pangungusap ng masama,ngunit ang salita ng matuwid ay nagliligtas sa kapwa.

7. Ang masama ay lubusang mapaparam at di na magbabalik,ngunit ang sambahayan ng matuwid, mananatiling nakatindig.

8. Ang taong matalino'y magkakamit ng karangalan,ngunit ang aanihin ng masama ay pagkutya lang.

9. Ang maralitang nagsisikap ay mabuting di hamak,kaysa nagkukunwang mayaman ngunit sa gutom nakasadlak.

Mga Kawikaan 12