Mga Kawikaan 11:13-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Walang maitatago sa bibig ng madaldal,ngunit ang tunay na kaibigan, iyong mapagkakatiwalaan.

14. Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak,ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak.

15. Ang nananagot para sa iba, sa gusot ay nasasadlak,ngunit ang ayaw gumarantiya ay malayo sa bagabag.

16. Ang babaing mahinhin ay nag-aani ng karangalan,ngunit ang walang dangal, tambakan ng kahihiyan.Lagi sa kahirapan ang taong tamad,ngunit masagana ang buhay ng isang masipag.

Mga Kawikaan 11