Mga Hukom 6:22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)
Saka pa lamang naunawaan ni Gideon na anghel nga ni Yahweh ang nakausap niya. Dahil dito, kinilabutan siya sa takot at sinabi, “Panginoong Yahweh tulungan mo po ako! Harap-harapan kong nakita ang iyong anghel!”