10. “Umawit kayo habang sakay ng mapuputing asno,habang maiinam na latag ang inuupuan ninyoat kayong mga naglalakad saanman patungo.
11. Sabay sa himig ng mga pastol sa tabing balonkung saan sinasaysay ang tagumpay ni Yahweh,mga tagumpay ng Israel sa kanyang mga nayon.Sa pintuan ng lunsod pumasok sila roon.
12. “Gumising ka, Debora, at ikaw ay tumayo!Gumising ka't bumangon, umawit ng isang himig.Barak, anak ni Abinoam,kumilos ka't dalhin mong bihag ang mga kalaban.
13. Kumilos na ang mga dakila ng bayan;alang-alang kay Yahweh malakas man ay lalabanan!