Mga Hukom 13:24-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

24. Dumating ang araw at nanganak ang asawa ni Manoa. Lalaki ang sanggol at pinangalanan nilang Samson. Lumaki ang batang patuloy na pinagpapala ni Yahweh.

25. At nagsimulang udyukan ng Espiritu ni Yahweh si Samson at siya'y pinakilos nito sa kampo ng Dan na nasa pagitan ng Zora at ng Estaol.

Mga Hukom 13