Mga Hukom 12:9-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Animnapu ang kanyang anak: tatlumpung lalaki at tatlumpung babae. Ang pinili niyang maging asawa ng kanyang mga anak ay pawang di kabilang sa kanilang angkan. Pitong taon siyang naging hukom at pinuno ng Israel.

10. Nang siya'y mamatay, inilibing siya sa Bethlehem.

11. Nang mamatay si Ibzan, si Elon na taga-Zebulun naman ang naging hukom at pinuno ng Israel sa loob ng sampung taon.

12. Nang siya'y mamatay, inilibing siya sa Ayalon, sakop ng Zebulun.

Mga Hukom 12