Mga Hebreo 6:14-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Sinabi niya, “Ipinapangako ko na lubos kitang pagpapalain at ang lahing magmumula sa iyo ay aking pararamihin.”

15. Matiyagang naghintay si Abraham at natanggap naman niya ang ipinangako sa kanya.

16. Nanunumpa ang mga tao sa pangalan ng isang nakakahigit sa kanila, at sa pamamagitan ng panunumpang ito'y pinapagtibay ang usapan.

17. Gayundin naman, pinagtibay ng Diyos ang kanyang pangako sa pamamagitan ng panunumpa, upang ipakita sa kanyang mga pinangakuan na hindi mababago ang kanyang layunin.

Mga Hebreo 6