Mga Hebreo 2:16-18 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

16. Hindi ang mga anghel ang kanyang tinutulungan, sa halip ay mga anak ni Abraham.

17. Kaya't kinailangang matulad siya sa kanyang mga kapatid sa lahat ng paraan. Sa gayon, siya'y naging isang Pinakapunong Pari, mahabagin at tapat na naglilingkod sa Diyos at nag-aalay ng handog para mapatawad ang mga kasalanan ng tao.

18. At ngayo'y matutulungan niya ang mga tinutukso, sapagkat siya man ay nakaranas ng pagtukso at paghihirap.

Mga Hebreo 2