Mga Gawa 7:19-23 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Dinaya at pinahirapan ng hari ang ating ninuno at iniutos niya na itapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay.

20. Noon ipinanganak si Moises, isang batang kinalulugdan ng Diyos. Tatlong buwan siyang inalagaan sa kanilang tahanan,

21. at nang siya'y itapon, inampon siya ng anak na babae ng Faraon, at pinalaking parang sariling anak.

22. Tinuruan siya sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio, at siya'y naging dakila sa salita at sa gawa.

23. “Nang si Moises ay apatnapung taon na, nagpasya siyang dalawin ang kanyang mga kababayang Israelita upang tingnan ang kanilang kalagayan.

Mga Gawa 7