1. Nang makaligtas na kami, nalaman naming ang pulong iyon ay tinatawag na Malta.
2. Napakaganda ng ipinakita sa amin ng mga tagaroon, sapagkat nang bumagsak ang ulan at naging maginaw, nagsiga sila at inasikaso kaming mabuti.
3. Si Pablo nama'y namulot ng kahoy at nang mailagay ang mga iyon sa sigá, mula roo'y lumabas ang isang ahas. Tinuklaw nito at pinuluputan ang kamay ni Pablo.
4. Nang makita ng mga tagaroon ang ahas na nakabitin sa kamay ni Pablo, nasabi nila sa isa't isa, “Siguro'y mamamatay-tao iyan. Nakaligtas nga siya sa dagat ngunit hindi naman ipinahintulot ng langit na siya'y mabuhay pa.”
5. Subalit ipinagpag lamang ni Pablo sa apoy ang ahas at hindi siya naano.
28-29. Idinagdag pa ni Pablo, “Sinasabi ko sa inyo, ipinahayag na sa mga Hentil ang kaligtasang ito na mula sa Diyos, at diringgin nila ito!”