22. Sinabi ni Agripa kay Festo, “Gusto kong mapakinggan ang taong iyan.”“Mapapakinggan mo siya bukas,” tugon naman ni Festo.
23. Kinabukasan, dumating sina Agripa at Bernice, kasama ang matataas na punong kawal at ang mga tanyag na tao sa lunsod. Pumasok sila sa bulwagan ng hukuman at iniutos ni Festo na si Pablo'y iharap sa kanila.
24. Sinabi ni Festo, “Haring Agripa, at lahat ng naririto, narito po ang lalaking isinakdal sa akin ng mga Judio rito at sa Jerusalem. Ipinagsisigawan nilang hindi siya dapat mabuhay.
25. Ngunit sa pagsisiyasat ko'y wala akong makitang dahilan upang parusahan siya ng kamatayan. Dahil nais niyang dumulog sa Emperador, ipinasya kong ipadala siya roon.