24. Maghanda rin kayo ng mga kabayong sasakyan ni Pablo at ihatid ninyo siya kay Gobernador Felix. Ingatan ninyo siyang mabuti!”
25. At lumiham siya ng ganito,
26. “Sa Kagalang-galang na Gobernador Felix, mula kay Claudio Lisias, kumusta ka!
27. Ang lalaking ito'y hinuli ng mga Judio at papatayin na sana. Nalaman kong siya'y isang mamamayang Romano, kaya't nagsama ako ng mga kawal at iniligtas siya.
28. Sa hangad kong malaman kung ano ang sakdal laban sa kanya, pinaharap ko siya sa Sanedrin.