Mga Gawa 22:5-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Makakapagpatotoo tungkol dito ang pinakapunong pari at ang buong kapulungan ng mga pinuno ng bayan. Binigyan pa nga nila ako ng mga sulat para sa mga Judio sa Damasco, kaya't pumunta ako roon upang dakpin ang mga kaanib ng Daang ito at dalhin sila dito sa Jerusalem upang parusahan.”

6. “Magtatanghaling-tapat noon, at malapit na ako sa Damasco nang may biglang kumislap sa aking paligid na isang matinding liwanag mula sa langit.

7. Napasubasob ako sa lupa at narinig ko ang isang tinig na nagsalita sa akin, ‘Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?’

Mga Gawa 22