Mga Gawa 22:18-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Nakita ko ang Panginoon na nagsasalita sa akin, ‘Madali ka! Lisanin mo agad ang Jerusalem sapagkat hindi tatanggapin ng mga tao rito ang iyong patotoo tungkol sa akin.’

19. Sabi ko naman, ‘Panginoon, alam na alam nilang isa-isa kong pinuntahan ang mga sinagoga upang ipabilanggo at ipahagupit ang mga nananalig sa iyo.

20. At nang patayin si Esteban na iyong saksi, ako ay naroon at sumang-ayon pa sa ginawa nila, ako pa nga ang nagbantay sa mga damit ng mga pumatay sa kanya.’

21. Ngunit sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Humayo ka, sapagkat isusugo kita sa malayo, sa mga Hentil.’”

22. Hanggang sa mga sandaling iyon, ang mga tao'y nakikinig kay Pablo. Ngunit pagkarinig sa huli niyang sinabi, sila'y nagsigawan, “Patayin ang taong iyan! Hindi siya dapat mabuhay!”

Mga Gawa 22