Mga Gawa 20:33-36 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

33. Hindi ko hinangad ang ginto, pilak o pananamit ninuman.

34. Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng ikabubuhay naming magkakasama.

35. Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho, dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus, ‘Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap.’”

36. Pagkasabi nito, lumuhod si Pablo at nanalanging kasama nila.

Mga Gawa 20