Mga Gawa 17:15-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Ang mga naghatid kay Pablo ay sumama sa kanya hanggang sa Atenas. Pagkatapos, nagbalik sila sa Berea taglay ang bilin ni Pablo kina Silas at Timoteo na sumunod sa kanya sa lalong madaling panahon.

16. Habang sina Silas at Timoteo'y hinihintay ni Pablo sa Atenas, napansin niyang puno ng mga diyus-diyosan ang lunsod. Labis niyang ikinalungkot iyon

17. kaya't nakipagpaliwanagan siya sa loob ng mga sinagoga roon, sa mga Judio at sa mga debotong tao, at sa sinumang makatagpo niya sa liwasang-bayan araw-araw.

Mga Gawa 17