Mga Gawa 13:45-47 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

45. Inggit na inggit naman ang mga Judio nang makita nila ang napakaraming tao, kaya't nilait nila at sinalungat si Pablo.

46. Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, “Sa inyo muna sana dapat ipahayag ang salita ng Diyos. Ngunit dahil itinatakwil ninyo ito, hinahatulan ninyo ang inyong sarili na kayo'y hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, kaya't sa mga Hentil na kami mangangaral.

47. Ganito ang iniutos sa amin ng Panginoon,‘Inilagay kitang liwanag sa mga Hentilupang maipangaral mo ang kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’”

Mga Gawa 13