20. Sinabi pa ni Pedro,“Nasusulat sa Aklat ng mga Awit,‘Ang tirahan niya'y tuluyang layuan,at huwag nang tirhan ninuman.’Nasusulat din,‘Ibigay sa iba ang kanyang tungkulin.’
21-22. “Kaya't dapat tayong pumili ng isang makakasama namin bilang saksi sa muling pagkabuhay ni Jesus. Kailangang siya'y isa sa mga kasa-kasama namin sa buong panahong kasama kami ng Panginoong Jesus, mula nang bautismuhan ni Juan si Jesus hanggang sa siya ay iniakyat sa langit.”
23. Kaya't pumili sila ng dalawang lalaki, si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas, na kilala rin sa pangalang Justo.