Mga Bilang 6:23-27 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

23. “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ang mga salitang ito ang bibigkasin nila sa pagbabasbas nila sa mga Israelita:

24. Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh;

25. kahabagan ka nawaatsubaybayan ni Yahweh;

26. lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh.

27. “Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbabasbas sa mga Israelita at tiyak ngang pagpapalain ko sila.”

Mga Bilang 6