Mga Bilang 6:22-27 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

22. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

23. “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ang mga salitang ito ang bibigkasin nila sa pagbabasbas nila sa mga Israelita:

24. Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh;

25. kahabagan ka nawaatsubaybayan ni Yahweh;

26. lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh.

27. “Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbabasbas sa mga Israelita at tiyak ngang pagpapalain ko sila.”

Mga Bilang 6