Mga Bilang 33:9-55 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Mula sa Mara nagtuloy sila ng Elim. Nakakita sila roon ng labindalawang bukal at pitumpung puno ng palmera, at nagkampo sila roon.

10. Mula sa Elim, nagkampo sila sa baybayin ng Dagat na Pula.

11. Mula sa Dagat na Pula, nagkampo sila sa ilang ng Sin.

12. Mula sa ilang ng Sin, nagkampo sila sa Dofca.

13. Mula sa Dofca, nagtuloy sila ng Alus.

14. Mula sa Alus, nagkampo sila sa Refidim, isang lugar na walang maiinom na tubig.

40. Nabalitaan ng hari ng Arad na naninirahan sa timog ng Canaan ang pagdating ng mga Israelita sa Bundok ng Hor.

50. Nang sila'y nasa kapatagan ng Moab, sinabi ni Yahweh kay Moises,

51. “Ganito ang sabihin mo sa mga Israelita: Pagkatawid ninyo ng Jordan papuntang Canaan,

52. palayasin ninyo ang mga naninirahan doon, durugin ninyo ang kanilang mga rebultong bato at imaheng metal. Gibain din ninyo ang mga sambahan nila sa burol.

53. Sakupin ninyo ang lupaing iyon at doon kayo tumira sapagkat ibinibigay ko sa inyo ang lupaing iyon.

54. Hatiin ninyo ang lupain sa bawat lipi at ang paghahati ay ibabatay sa laki ng lipi. Sa malaking lipi malaking parte, sa maliit ay maliit din. Ang pagbibigay ng kanya-kanyang bahagi ay dadaanin sa palabunutan.

55. Ngunit kung hindi ninyo palalayasin ang mga nakatira doon, ang matitira ay magiging parang tinik sa inyong lalamunan, at puwing sa inyong mga mata. Balang araw, sila ang gugulo sa inyo.

Mga Bilang 33