1. Sinabi ni Yahweh kay Moises,
2. “Ipaghiganti mo muna ang sambayanang Israel sa mga Midianita. Pagkatapos, pamamahingahin na kita sa piling ng iyong mga yumaong ninuno.”
3. Kaya sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Humanda kayo sa pakikipagdigma laban sa mga Midianita upang maigawad ang parusa ni Yahweh sa kanila.
4. Bawat lipi ng Israel ay magpadala ng sanlibong kawal.”
22-23. ang mga ginto, pilak, tanso, bakal, lata at lahat ng hindi masusunog ay pararaanin sa apoy para luminis. Pagkatapos, huhugasan ito ayon sa Kautusan. Lahat ng maaaring masunog ay lilinisin sa pamamagitan ng tubig ayon sa Kautusan.
32-35. Ang nasamsam ng mga kawal na Israelita mula sa Midian ay 675,000 tupa, 72,000 baka, 61,000 asno, at 32,000 dalagang birhen.
36-40. Ang kalahati nito'y nauwi sa mga kawal: 337,500 tupa ang napunta sa kanila at ang handog nila kay Yahweh ay 675; ang mga baka naman ay 36,000 at 72 nito ang inihandog nila kay Yahweh; ang mga asno naman ay 30,500 at 61 ang inihandog nila kay Yahweh; ang mga babaing nakaparte nila ay 16,000 at ang 32 nito ay inihandog nila kay Yahweh.