4. Dahil ba sa wala siyang anak na lalaki ay buburahin na ninyo siya sa listahan ng Israel? Bigyan ninyo kami ng kaparteng lupa tulad ng mga kamag-anak ng aming ama.”
5. Ang usaping ito'y iniharap ni Moises kay Yahweh,
6. at ganito ang sagot ni Yahweh,
7. “Tama ang mga anak ni Zelofehad. Dapat magkaroon ng kaparte ang kanilang ama. Ang mana niya ay ibigay mo sa kanyang mga anak.
8. At sabihin mo sa mga Israelita na kapag ang isang tao'y namatay na walang anak na lalaki, ang mana niya ay ibibigay sa mga anak na babae.
9. Kung wala ring anak na babae, ang kaparte niya ay ibibigay sa kanyang mga kapatid.