Mga Bilang 21:10-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Ang bayang Israel ay nagpatuloy sa paglalakbay at nagkampo sa Obot.

11. Mula roon, nagtuloy sila sa mga guho ng Abarim, sa ilang na nasa silangan ng Moab.

12. Pag-alis doon, nagpatuloy sila sa Libis ng Zared.

13. Buhat naman dito ay nagtuloy sila sa kabila ng Ilog Arnon, isang lugar na nasa pagitan ng lupain ng mga Amoreo at ng mga Moabita.

14. Kaya natala sa Aklat ng mga Pakikipagdigma ni Yahweh ang ganito:“Parang ipu-ipong sinakop niya ang Waheb at ang kapatagan ng Arnon,

Mga Bilang 21