Mga Bilang 10:25-28 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

25. Ang pangkat nina Dan ang kahuli-hulihan at siyang nagsisilbing tanod na nasa huling hanay. Sila'y pangkat-pangkat din ayon sa angkan at pinangungunahan ni Ahiezer na anak ni Amisadai.

26. Ang pinuno ng lipi ni Asher ay si Pagiel na anak ni Ocran

27. at ang pinuno naman ng lipi ni Neftali ay si Ahira na anak ni Enan.

28. Ganito nga ang ayos ng buong Israel tuwing sila'y magpapatuloy sa paglalakbay.

Mga Bilang 10