Mga Bilang 10:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

2. “Magpagawa ka ng dalawang trumpetang yari sa pinitpit na pilak. Gagamitin mo ang mga ito sa pagtawag ng pagpupulong ng taong-bayan o kung kailangan nang magpatuloy sa paglalakbay ang buong Israel.

3. Kapag hinipan nang sabay, ang buong Israel ay magtitipun-tipon sa harap ng Toldang Tipanan.

Mga Bilang 10