Mga Bilang 1:19-49 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Ginawa nila ito sa ilang ng Sinai, ayon sa utos ni Yahweh.

44-45. Lahat ng lalaki sa Israel mula sa dalawampung taon pataas at maaaring isama sa hukbo upang makidigma ay itinala nga nina Moises at Aaron. Sila ay tinulungan ng labindalawang pinuno na mula sa bawat lipi ng Israel.

46. Ang kabuuang bilang ay 603,550.

47. Ang mga Levita ay hindi kabilang sa sensus na ito

48. sapagkat ganito ang bilin ni Yahweh kay Moises:

49. “Huwag mong isasama sa sensus ng Israel ang mga Levita.

Mga Bilang 1