Mga Awit 99:4-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Ikaw ay dakilang Hari, umiibig sa katuwiran,ang dulot mo sa Israel ay ganap na katarungan;ang dulot mo sa kanila ay pagtinging pantay-pantay.

5. Si Yahweh na ating Diyos ay lubos na parangalan;sa harap ng kanyang trono, tayo ay manambahan!Si Yahweh ay banal!

6. Si Moises at si Aaron, na mga pari niya;at si Samuel nama'y lingkod na sa kanya ay sumamba;nang si Yahweh'y dalanginan, dininig naman sila.

7. Si Yahweh ay nagsalita sa isang haliging ulap;sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.

8. O Yahweh na aming Diyos, sinagot mo sila agad,at ikaw ay nakilalang Diyos na mapagpatawad;ngunit pinagdurusa mo kung ang gawa'y hindi tumpak.

Mga Awit 99