Mga Awit 98:2-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Ang tagumpay ni Yahweh, siya na rin ang naghayag,sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas.

3. Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad,tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay nahayag!

4. Magkaingay na may galak, lahat ng nasa daigdig;si Yahweh ay buong galak na purihin sa pag-awit!

5. Sa saliw ng mga lira kayong lahat ay umawit,at si Yahweh ay purihin sa ating mga tugtugin.

6. Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating Hari.

7. Mag-ingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy,umawit ang buong mundo at lahat ng naroroon.

Mga Awit 98