Mga Awit 97:2-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Ang paligid niya'y ulap na puno ng kadiliman,kaharian niya'y matuwid at salig sa katarungan.

3. Sa unahan niya'y apoy, patuloy na nag-aalab,sinusunog ang kaaway sa matindi nitong ningas.

4. Yaong mga kidlat niyang tumatanglaw sa daigdig,kapag iyon ay namasdan, ang lahat ay nanginginig.

5. Itong mga kabundukan ay madaling nalulusaw,sa presensya ni Yahweh, Diyos ng sandaigdigan.

Mga Awit 97