Mga Awit 97:1-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Si Yahweh ay naghahari, magalak ang buong mundo!Magsaya nama't magdiwang, lahat kayong mga pulo!

2. Ang paligid niya'y ulap na puno ng kadiliman,kaharian niya'y matuwid at salig sa katarungan.

3. Sa unahan niya'y apoy, patuloy na nag-aalab,sinusunog ang kaaway sa matindi nitong ningas.

4. Yaong mga kidlat niyang tumatanglaw sa daigdig,kapag iyon ay namasdan, ang lahat ay nanginginig.

5. Itong mga kabundukan ay madaling nalulusaw,sa presensya ni Yahweh, Diyos ng sandaigdigan.

6. Sa langit ay nahahayag nga ang kanyang katuwiran,sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.

Mga Awit 97