Mga Awit 96:11-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

11. Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.

12. Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

13. Si Yahweh ay darating na upang lahat ay hatulan,at kanyang paghahariin ang sakdal na katarungan.

Mga Awit 96