Mga Awit 9:17-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

17. Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos,pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos.

18. Hindi habang panahong pababayaan ang dukha;hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita.

19. Huwag mong tulutan, Yahweh, na labanan ka ng mga tao!Tipunin mong lahat ang mga bansa at sila'y hatulan mo.

20. Takutin mo, O Yahweh, ang lahat ng bayan,at iyong ipabatid na sila'y tao lamang. (Selah)

Mga Awit 9