Mga Awit 9:12-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan,mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan.

13. O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan,masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway!Iligtas mo ako sa bingit ng kamatayan,

14. upang sa harapan ng Lunsod ng Zion, aking isalaysay.Dahil sa iyong pagliligtas, papuri ko'y ibibigay.

15. Nahulog ang mga bansa, sa patibong na gawa nila;sa bitag para sa akin, ang nahuli ay sila!

16. Sa matuwid niyang hatol si Yahweh ay nagpakilala,at ang masasama'y nahuhuli sa mga bitag na gawa nila. (Higgaion, Selah)

Mga Awit 9