1. Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko,mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.
2. Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan,pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan.
3. Makita ka lang ay umuurong na ang aking mga kaaway,sila'y nabubuwal at namamatay sa iyong harapan.
4. Patas at makatarungan ka sa iyong paghatol,matuwid kong panig ay iyong ipinagtanggol.